Ina, Estudyante at pagtuturo

Pagiging Estudyante at mahirap din sa katulad kong ina lalong lalo na matagal na akong hindi nakapag aral. Nakakapagod at mahirap dahil kailangan ang sapat na oras sa pag aaral. Kailangang pagsumikapan upang makapasa sa pagsusulit at eksam na ibibigay ng guro. Gagampanan ng mabuti ang mga tungkulin, tayo ay gumising at pumasok nang maaga, gumagawa ng gawaing bahay, proyekto, at paghahanda sa darating na pagsusulit at eksam. Nang sa ganun tayo ay makapasa at dumating ang panahon makatapos ng pag aaral at makamit ang inaasam na pangarap.

The Journey Begins

Ako’y isang Ina, Estudyante, at nagtuturo ng daycare. Mahirap pagsabayin ang ganitong trabaho ngunit kailangan gawin para sa aking pangarap at sa kinabukasan ng aking mga anak.

Ang sinulat kong blog at at base sa aking karanasan sa buhay. Mga karanasang na ibinabahagi sa inyo upang itoy magsilbing inspirasyon, at mapupulutan niyo ng aral sa katulad kong ina na hanggang ngayon ay nagsusumikap na maabot ang pangarap. Kahit maraming pagsubok at hamon na dumating sa buhay buong puso kong harapin dahil sa naudlot Kong pangarap na sanay aking makamit.

post