Pagiging ina ay napakahirap na trabaho dahil walang pahinga, walang oras sa mga kasayahan, nagsasakripisyo sa anak simula sa pagbubuntis hanggang sa panganak, pag aalaga at pagpapalaki sa mga anak napakahirap ngunit masaya dahil alam kong may makakasama ako at may karamay hanggang sa aking pagtanda.Pagiging Estudyante at mahirap din sa katulad kong ina lalong lalo na matagal na akong hindi nakapag aral. Nakakapagod at mahirap dahil kailangan ang sapat na oras sa pag aaral. Kailangang pagsumikapan upang makapasa sa pagsusulit at eksam na ibibigay ng guro. Gagampanan ng mabuti ang mga tungkulin, tayo ay gumising at pumasok nang maaga, gumagawa ng gawaing bahay, proyekto, at paghahanda sa darating na pagsusulit at eksam. Nang sa ganun tayo ay makapasa at dumating ang panahon makatapos ng pag aaral at makamit ang inaasam na pangarap.
Ang pagtuturo sa daycare ay mahirap din para sa akin. Sa simula hindi ko akalain na Kaya ko dahil sa ang mga bata at dahil sila ay pasaway at napakahirap turuan dahil nga sila ay napakabata pa ngunit habang tumatagal napag isip isip kong masaya pala ang pagtuturo kahit hindi ako nakapagtapos noon ng pag aaral naranasan ko naman kung paano maging guro. At ngayon pilit Kong inaabot at pinagsumikapan upang ito’y aking matupad at dumating ang panahon ako ay maging GURO.